Tuesday, October 21, 2008

Retreat

Noong last Friday hanggang Sunday (October 17-19) nagkarron kami ng retreat sa Angel Hills, sa may Tagaytay yun. haha. Noong una, sa tingin ko wala akong masyadong matututunan at magiging boring yung mga talk at activity kaya yung bagay na naglolook forward ako ay yung mga free time, para makhalubilo sa mga kaibigan ko. Haha balak namin maglaro ng basketball hanggang dun. Pero mali ako. Madami akong natutunan nung retreat, sobra. Lalo na ung unang speaker nung Saturday ng umaga. Grabe tae muntik nakong mapaiyak, pinigilan ko lang. Para kasing nakakarelate ako dun sa speaker. Grabe di ko talaga inaasahan. Tapos astig din ung matanfang speaker. haha nakakatawa siya, magago kasi..haaaaaaaaay..masaya yung retreat haha lalo na dahil madami kaming magkakakaibigan na magkakasama. Masaya. Lahat ng gawin pare hahha. Basta kasama sila, hindi mapipigilang ngumiti at tumawa. Tapos, nong retreat napagpasyahan ko na may mga babaguhin ako sa buhay ko. Para namang magkameaning hahah..naks..pero di nga. Parang bagong buhay, noong confession mga 30 mins nga ata ako eh pinilit ko na tandaan lahat nung kasalanan ko..Tagal ko na kasi hindi nakakaconfess more than a year na..Haaaay..saya ng retreat. Sobra. Nakakabitin pare. Im looking forward to next years retreat pare. 

No comments: