Tuesday, October 7, 2008

Tula.


Trumpo.



Paikut-ikot ang puting trumpo

Doon sa may kalye, doon sa may kanto

Sa bandang kanan, ng eskenita

Ang puting trumpo, sana'y makita.


Ang puting trumpo'y gawa sa kahoy,

Ito'y ginawa, para kay Caloy

Ang paboritong trumpo ni Caloy

Ang trumpong puti, ang trumpong kahoy.


Buong araw niya itong laruin

Kaya't siya'y laging di nakakakain

Paikut-ikot ang kanyang trumpo

'Di tumitigil, 'di humihinto.


Ito'y adiksyon, ito'y libangan

Paikut-ikot, walang hangganan

Ngunit si Caloy, tumatanda

Trumpo'y nilimot, bata'y nagsawa.


Ang batang Caloy, a siyang nawala

Bata'y nagbago, siya'y tumanda

Ang dating hilig, sa pagtrutrumpo

Pinagsawaan, ito'y binago.


Ngayon ang trumpo'y na sa tabi

Ito'y tinago, ito'y kinubli

Buhay niya dati'y, paikut-ikot

Ngayo'y sa sulok, ngayo'y nilimot.



No comments: